61

Evacuation center umabot na sa 118 – Tolentino

Nahirapan umano ang gobyerno sa paghanda ng evacuation center dahil biglaan ang pagsabog ng Taal noong Linggo, Enero 12.

Subalit sa kabila nito, ayon kay Senador Francis Tolentino, mayroon na ngayong118 evacuation center sa maraming bayan sa Batangas at Cavite sapat na para tanggapin ang mga residenteng naapektuhan ng sakuna.

“It was really hard for us government and the private sectors to prepare for the evacuation because we just have little time to prepare,” pahayag ni Tolentino sa panayam ng CNN Philippines noong Martes.

“But we are coping up we now have 118 evacuation centers covering several municipalities in two provinces affected by the Taal volcano,” dagdag pa nito.

Sa Tagaytay City pa lamang, ani Tolentino ay umabot na sa 20,000 katao ang nalagak sa mga itinayong mga evacuation center doon.

“Our department of social welfare and development are really on the top of the situation providing food pax and non-food items like blankets and some sleeping mats,” ani Tolentino.

“But again it’s a cooperation of various sectors and right now we have almost 20,000 evacuees in my city alone,” sabi pa ng dating alkalde ng Tagaytay City.

Bagama’t wala pang kasiguruhan kung kelan matatapos ang trahedya, sinabi ni Tolentino na nagtutulong-tulong naman ang gobyerno at pribadong sektor para sa mga taong nasa mga evacuation center ngayon.

“They’ve been doing their share the national government their of top of the situation so there’s really a test of resilience in so far as the people living in this area are concerned,” sabi pa ni Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?