759
Eulogy para kay Chokoleit naging comedy kay Tita Winnie
By

Eulogy para kay Chokoleit naging comedy kay Tita Winnie

Laughtrip ang mga netizen sa unintentional mistake ni Winnie Cordero na pagbanggit ng ibang pangalan imbes na Chokoleit sa eulogy para sa namayapang comedian.

Chokoleit nasagip sana kung tumigil sa performance niya

Sa panayam ni Tita Winnie kay K Brosas sa “Umagang Kay Ganda”, na isa sa mga malapit na kaibigan ni Chokoleit, tinanong nito kung ano ang masasabi ni K sa kaibigan.

Pero imbes na Chokoleit ay “Pooh” ang binanggit na pangalan ni Cordero, na isa ring comedian.

Agad siyang itinama ni K Brosas.

“Ano ang gusto mong sabihin. Naririnig ka ni Pooh ngayon,” sabi ni Cordero.

Imbes na maiyak ay natawa na lang si Brosas kay Tita Winnie maging ang mga nakapanood dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?