44

By

Etheridge, 22 pa pasok sa Azkals

Kabuuang 23 manlalaro ang pinatawag ng Philippine Football Federation (PFF) upang bumuo sa pool para sa PH Azkals na lalaban kontra sa Maldives sa Nobyembre 14, at sa Syria sa Nob. 19.

Asam ng national squad na mapatibay ang puwesto sa Group A sa pagpapatuloy ng FIFA World Cup Qatar 2022/AFC Asian Cup China 2023 Preliminary Joint Qualification Round 2.

Kasalukuyang ikatlong puwesto sa tig-iisang panalo, tabla at talo, nais ng Azkals tumapak sa FIFA International Match window na puno ng kumpiyansa tapos ng scoreless draw kontra China nitong Oktubre 15 sa Bacolod.

Ang 23 players ang pagpipilian para sa koponang lalaban sa Maldives sa sa National Stadium sa Male, Maldives, at sa Syria sa Maktoum Bin Rashid Al Maktoum Stadium sa Dubai, UAE.

Apat na manlalaro na nasa Under-22 national squad na sina Mikel Justin Baas, Marco Casambre, Yrick Gallantes, at Edison Suerti ang kasama sa listahan.

Hahawakan muli ni coach Goran Milojevic ang ‘Pinas 11 habang tutulungan nina Hezirdan Ramadani at goalkeeping coach Milos Simic. Si Dan Palami pa rin ang team manager kasama si Scott Joseph Cooper na assistant team manager.

Nasa national pool sina Patrick Phillip Deyto, Neil Leonard Etheridge, Michael Aksel Falkesgaard, Amani Manuel Aguinaldo, Carlos Alberto De Murga, Sean Patrick Kane, Daisuke Sato, Alvaro Silva, Martin Markus Steuble, Edison Suerti, Luke Woodland, Yrick Gallantes at Angel Guirado.

Kumukumpleto sina Mike Rigoberto Ott, Iain Ramsay, Stephan Markus Schrock, John-Patrick Strauss, Curt Jordan Dizon, Mark Hartmann, Jose Elmer Porteria, Patrick Reichelt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?