208

Apr 4, 2020 @ 8:28
By

Ethel Booba: Mga troll may employee number?

Napansin ng komedyante si Ethel Booba na dumami umano ang mga social media account na nang-aaway lang sa Twitter.

Patutsada tuloy ni Booba sa mga troll ay bakit daw may number ang dulo ng kanilang mga username.

“Ang daming bagong gawang account para mang-away sunod may number pa sa dulo ang username. Ano yan employee number? Charot!” tweet ni Ethel.

Hindi na rin ito nakapagtimpi sa mga nanghihingi ng ambag tuwing patatamaan ang gobyerno sa pagresponde sa COVID-19.

Sey ni Booba, handa siyang magbigay ng alak para may maambag, ngunit nilinaw din na nagbabayad naman ng tax na ginagamit ng gobyerno sa sitwasyon ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?