569
Ethel Booba kay Mocha: Mas okay na pabebe kesa pabobo!
Mar 19, 2020 @ 18:30
By

Ethel Booba kay Mocha: Mas okay na pabebe kesa pabobo!

Tila atras at hugas-kamay si Mocha Uson sa tinatanggap nitong bashing dahil sa pagbanat dimano nito kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

“FYI, Mocha Uson Blog FB page is now composed of different bloggers and admins. We practice free speech though we differ in opinions on different matters. So, saying that I am against VICO SOTTO is FAKE NEWS since it was posted by another admin. I hope this clears everything,” paliwanag naman ni Mocha sa kanyang tweet.

Sa Facebook account kasi ni Mocha ay may post itong:

“POSTED BY ADMIN BANAT BY.

“Eto yung sinasabi ko eh. Kaya ng ibang lugar bakit eto si Mayor Sotto pabebe? Bukas paguusapan natin ito. Papaliwanag ko kung bakit sablay ang pabebe ni Sotto. Pero ang appeal ko sa DILG bakit parang kayo pa ang nakikiusap sa Mayor? Apply the LAW and be strict parang walang PANDEMIC ah.”

Nais kasi ni Vico na payagang magamit ang mga tricycle bilang mode of transport sa lungsod dahil naniniwala itong hindi at risk ang mga pasahero nito sa COVID-19.

May isang netizen na ipinarating ito kay Ethel Booba. Sagot naman nito:

“Okay na sa pabebe kesa sa pabobo. Social media distancing talaga kailangan nila. Charot!” retweet ni Ethel sa follower niyang tila nagsumbong sa mga pino-post ni Mocha.

Sunod-sunod din kasi ang tweet ni Ethel na tila ba suportado nito ang kampanya ni Vico para sa mga taga-Pasig.

“Mauuna pa gamot sa corona virus kesa sa tanga kaya di ka na gagaling pa. Si Mayor Vico Sotto nga ang binabash nila dahil sa suggestion nito at magandang ginagawa sa Pasig City. Explain mo samin ang Local Government Unit at Non-Government Organization. Charot!” tweet pa ni Ethel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?