175

By

Ethel Booba ganap nang ina!

Kaliwa’t kanang mga tsokolate, lobo at bulaklak ang natatanggap ng karamihan sa mga tao sa Valentine’s, pero mukhang wala nang mas bobongga pa sa natanggap ng komedyante na si Ethel Booba sa Araw ng mga Puso dahil ipinanganak niya na ang kanyang first baby!

Sa sobrang tuwa ng komedyante, agad niya itong ibinalita sa publiko at ipinakita nga ang picture ng legs ng kanyang baby.

Naku! Napaka-gandang regalo nga para sa Araw ng mga Puso.

“Welcome to this world Little Booba. Charot!” tweet ni Ethel.


Siyempre pa, agad ding bumuhos ang “Congratulations” message para sa komedyante.

Sa Instagram story naman ng kapatid ni Ethel na si Boobita, binanggit niya ang pangalan ng baby ng ate niya sa sobrang tuwa.

“Welcome to the world my pamangkin MICHAELA, mukhang mana ka sakin tabaching-ching legs. Congrats teh @ethelbooba isa ka nang ganap na mudra,” sey naman ni Boobita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: