886

By

Ethel Booba ayaw paawat sa pagbanat kay Bong

Ayaw paawat ng komedyanteng si Ethel Booba sa kanyang mga kakaibang hirit sa senatorial candidate na si Bong Revilla, Jr.

Sa latest post ni Ethel, nilagay nito ang numero na Manila Lifeline Centre sa pag-retweet niya sa isang news kay Revilla kunsaan sinabi nito ay: “‘Yung mga nagpa-plunder, yung nagnanakaw talaga sa bayan, dapat kung kinakailangang hatulan ng kamatayan para matigil na yan.”

Heto ang tweet ni Ethel: “Manila Lifeline Centre Contact by: Phone Hotline: (02) 8969191 Mobile phone: 0917 854 9191. Charot!”

Ang Manila Lifeline Centre kasi ay Philippine Suicide Watch Hotline na para sa mga taong may tendency na saktan ang kanilang sarili o nag-iisip na magpatiwakal.

Maraming natuwa sa tweet na ito ni Ethel at ito ang ibang comments mula sa netizens:

@AndiMartin23 “nagsalita. Hindi gago ang taong bayan. ikaw lang!”

@happykidandson “Maawa ka sa sarili mo teh!”

@JustineGo15 “Sample! Sample! Sample!”

@ScriptItjohn “Hahaha they all said yung hatul sa kanila.”

@markaverse “May death wish din itong si koya Bong eh. HAHAHAHA”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?