177

By

Ethel Booba 6 na buwan nang buntis!

Mangiyak-ngiyak si Ethel Booba nang ilantad nito sa ‘It’s Showtime’ na siya pala’y nagdadalang-tao.

Matapos magwagi sa ‘Tawag ng Tanghalan’ nitong Biyernes, inanusyo ni Ethel ang magandang balita.

“Double celebration, double congratulations to me,” ayon sa komedyana. “Ito na nga, six months na.”

“She’s six months pregnant!” tuwang pagsegunda naman ni Vice Ganda.

Nang matanong naman kung ready na siyang mag-settle kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar, ito ang kanyang naging tugon: “Oo, siya na talaga. Ready na nga ako e.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?