15,884
Estudyante tinawag na ‘bobo’ ni Gadon
By

Estudyante tinawag na ‘bobo’ ni Gadon

Isang netizen ang nanawagan sa mga botante na huwag iboto si Larry Gadon.

Ito’y matapos umanong sabihang “bobo” ni Gadon ang isang estudyante nang mag-init ang ulo sa pagtawag sa kanyang sinungaling.

Sinabihan umanong sinungaling si Gadon dahil sa pahayag nito na walang korapsiyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa tweet ng user na si @EllaTheMisfit, maririnig si Gadon habang nagbabanta pang magwo-walkout kapag may narinig pang anumang salita sa naturang estudyante.

Nakilala si Gadon dahil siya ang nasa likod ng impeachment complaint laban sa napatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kilala rin siya bilang Marcos loyalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?