34
Estudyante sinakmal ng buwaya
By

Estudyante sinakmal ng buwaya

Inatake ng buwaya ang isang estudyante sa bayan ng Balabac, Palawan noong Biyernes.

Sabi sa ulat, pauwi na ang 12-anyos na biktimang si Haina Lisa Jose Habi kasama ang kanyang kapatid na si Hashim at tumawid ng sapa sa Barangay Poblacion VI.

Bigla na lang sinakmal ng buwaya ang biktima alas-6:30 ng gabi.

Nagawang lumaban ni Haina sa buwaya at sa tulong na rin ng kapatid niya’y nakatakas siya.

Nagtamo siya ng injury sa kanang hita at ginagamot na sa isang rural health unit sa Balabac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?