430
Estudyante patay matapos magliyab ang suot na costume
By

Estudyante patay matapos magliyab ang suot na costume

Nalapnos ang halos buong katawan ng isang babaeng estudyante sa Davao City matapos magliyab ang suot niyang costume sa school pageant.

Nadilaan ng apoy na mula sa kandila ang “Mister and Miss Intramurals” costume ng biktimang si Cherishly Anne Bansag, ayon sa 24 Oras Weekend.

Ginamit umano ang kandila para maikabit ang abaca fibers sa costume pero nilamon ng apoy ang buong damit ng biktima.

Nasa 84 porsiyento raw ng katawan ni Bansag ang nasunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?