110

By

Estudyante nagka-10 points sa exam dahil kay Angel

Nakuha ng isang estudyante ang “kiliti” ng kanyang professor kaya nabigyan siya nito ng dagdag na puntos sa exam.

Sa tweet ng professor na si Kevin Robles, ginamit umano ng estudyante niya ang pagmamahal niya kay Angel Locsin para lang magka-plus points sa exam.

Makikita kasi sa dulo ng test paper ang bonus items na may 10 points kung saan nakasulat ang mga katagang “impress me”.

Sinagutan ito ng estudyante ng: “I have watched Angel Locsin’s version of Darna and the Mulawin.”

Natawa rito ang propesor at awtomatiko aniya niyang bibigyan ng 10 points ang bibo niyang estudyante.

Napansin ito ni Angel at ni-retweet ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?