32

By

Estado ni Parsons bumubuti

Umayos na raw ang lagay ni Chandler Parsons, ayon kay Houston Rockets forward Austin Rivers.

Naaksidente ang Atlanta Hawks forward na si Parsons noong isang araw pagkagaling sa ensayo sa Brookhaven.

Base sa legal team ni Parsons, binangga ang sasakyan ng player ng lasing.

Inabot raw ng traumatic brain injury, disk herniation at torn labrum (shoulder).

Sa mga naunang ulat ay binanggit na posibleng tapos na ang NBA career ni Parsons, 31.

Tinawagan daw at nakausap ni Rivers ang mga kaibigan at kamag-anak ni Parsons para makibalita.

“It’s scary what happened to him. It’s very unfortunate what happened,” pahayag ni Rivers kay Jonathan Feigen ng Houston Chronicle. “They seemed in good spirits last night about the fact he’s doing better. I didn’t talk to him, obviously.”

Noong 2011 ay 38th pick (second round) ng Rockets si Parsons. Naglaro din siya sa Dallas Mavericks at Memphis Grizzlies bago napunta ng Hawks noong isang taon, binigyan ng two-year contract hanggang 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?