50

By

Esportsplay Gaming, LGD nagsanib-puwersa

Inilunsad nitong Martes ang ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD & Esports Gaming’ kung saan ay nagsanib-pwersa ang gaming company giant Esportsplay Gaming at LGD para sa launching ng ‘LGD International’ na ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Hangad ng LGD International na mag-scout, train at coach ng core players mula sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia upang maka-level sa biggest DOTA 2 Tournament na ‘The International’ o ‘TI’.

Nanguna sa launching sina Esports Gaming Chairman at CEO Mr. Ivan Angelo Cuevas at COO Mr. John Tse, at LGD’s General Manager Mr. Pan Fei at LGD CEO Ms. Pan ‘Ruru’ Jie na pumirma rin ng contract partnership sa nasabing event.

“This is an exciting day for us, the beginning of something special,” saad ni Tse.

Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga guest at fan na makalaro ang DOTA 2 stars katulad nina Ah Jit, Chuan, at CEO ng LGD na si Ruru sa friendly match.

Hangad naman ng Esportsplay Gaming na makapagtayo ng LGD international headquarters sa Pampanga at gaming arena sa Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?