95

Dec 13, 2019 @ 13:32
By

Esports susubukang isali sa Olympics

Bagama’t pinagpugayan ang matagumpay na pinakaunang esports event sa kasaysayan ng Southeast Asian (SEA) Games, layon ng gaming company na Razer na gawin din itong opisyal na medal sport sa Olympics.

Ang Razer ang official esports partner ng SEA Games 2019.

“The esports event was a resounding success and the games are a testament of our esports talent in the region,” ayon kay David Tse, Razer Global Esports Director.

“While we may have achieved success in the SEA Games, this journey to legitimizing esports is not over. We will continue to strive for esports’ inclusion in the Olympics and we look forward to the next SEA Games in 2021,” wika pa niya.

Record-high din ang naitalang mga numero ng kompanya sa mga nanood at sumubaybay sa labanan sa esports.

“At its peak, the San Juan Arena was filled to maximum capacity and Razer’s streaming platforms registered 20 million impressions with 90,000 concurrent viewers. Audiences also spent over 200,000 hours watching the streams on YouTube, making it one of the top 10 trending gaming videos worldwide on the platform,” lahad ng Razer sa isang press release.

Pinarangalan din ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) ang kompanya sa pagtulong nito sa ika-30 edisyon ng biennial meet.

Siyam na bansa ang lumahok sa anim na laro sa esports.

 Ginagawad ni PHISGOC COO Ramon Suzara ang certificate of recognition kay Razer Global Esports Director David Tse.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?