33

By

Espejo, men’s volley winalis ang Cambodia

Maagang dinispatsa ni Marck Espejo at ng Philippine men’s volleyball team ang Cambodia, 29-27, 25-17, 25-17, Lunes ng gabi sa preliminary rounds ng torneo sa PhilSports Arena sa Pasig.

Ito ang unang laban ng koponan para sa 30th Southeast Asian Games sa kanilang kampanya para sa gintong medalya.

Bumida sa laban si Espejo na may 21 points, katuwang sina Bryan Bagunas na umiskor ng 14 points at Ave Joshua Retamar na may 11 points at 15 excellent sets.

“Nung first set medyo nag-struggle kasi slow start kami. Siguro dahil nga first game, nagkapaan kami pero andun naman ‘yung sa latter part naman naka-recover kami, sa second and third nag-tuloy tuloy naman,” saad ni Espejo.

Nanguna naman para sa Cambodia si Voeum Veasna na may 16 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?