210

By

Escoto ayaw na sa Columbian

Gusto nang pumara ni big man Russel Escoto sa kanyang stint sa Columbian Dyip.

Ayon sa report ng Tiebreaker Times, nagre-request na ng trade ang serviceable big man na nasungkit ng Kia franchise buhat pa noong 2016 PBA Draft.

Ayon sa source ng online site, nais ni Escoto na maglaro sa koponang mas may competitive na roster, at hindi sa pinakabunsong koponan sa PBA na Columbian.

Isang posibleng dahilan ay simula noong tumungtong si Escoto sa PBA, hindi pa siya nakakaranas ng playoff stint sa kanyang three-year career sa liga.

Sa ngayon ay naghahanap na umano ang Columbian ng trade package para kay Escoto, na nag-average ng 3.5 points at 2.8 rebounds sa nakaraang 2019 Commissioner’s Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?