42

Erram nag-sorry sa pagsapak kay Qualls

Humingi ng paumanhin si Poy Erram dahil sa pagsiko at ambang pagsuntok sa NorthPort import na si Michael Qualls.

Sa Instagram, sinabi ng NLEX center na nagsisisi siya sa nagawang pananakit kay Qualls at nag-sorry din kay NorthPort tactician Pido Jarencio dahil sa fighting stance nito sa naturan laban.

“Paulit-ulit kong pinag-iisipan ang nangyari sa last game namin. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko. To Michael Qualls, I’m sorry for hurting you in our last game. I also want to apologize to Coach Pido for my behavior,” ayon kay Erram.

Aniya, wala umano siyang excuse sa nagawa at inamin na pinangunahan ng emosyon dahil gusto lang ipagtanggol ang teammate na si Paul Varilla.

“Bilang atleta at tatay, responsibilidad kong maging good example sa iba. I am truly sorry.”

Nakatanggap si Erram ng one game suspension dahil sa pananakit at multa ng P50,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?