101

May 22, 2020 @ 22:23
By

Eroplano ng Pakistan bumagsak sa residential area

Nasa 11 katao umano ang nasawi matapos bumulusok sa isang residential area sa Karachi ang Airbus A320 passenger plane ng Pakistan International Airlines nitong Biyernes.

May sakay na 91 na pasahero at walong crew ang eroplano nang bumagsak, ayon sa ulat ng BBC.

Pinangangambahan naman ng provincial health minister na mas marami pa ang nasawi.

Nag-take off ang eroplano sa Lahore at pa-landing na sana dakong alas-2:30 ng hapon sa Karachi pero nawala sa radar, ayon kay Pakistan International Airlines spokesman Abdullah Khan sa CNN.

Apat na bahay ang gumuho dahil sa plane crash.

Bunsod nito, nagdeklara na ng emergency sa lahat ng ospital sa Karachi.

Hindi pa kumpirmado ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano pero nasabi raw ng piloto sa traffic control na nakaranas ang sasakyan ng “technical difficulties”.

Nagkalat sa social media ang mga kaganapan sa plane crash.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?