13

Mar 26, 2020 @ 11:13
By

Erik Spoelstra nagbigay ng tips para makaiwas sa COVID-19

Nilahad ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang ‘game plan’ para hindi mahawaan ng COVID-19 sa panahon ngayon.

Sa Instagram video ng Miami Heat, sinabi ni Spoelstra na mahalaga na panatilihing malinis ang kapaligiran at i-disinfect ang lahat ng bagay na madalas hawakan.

Kasama na rin dito ang paghuhugas ng kamay nang paulit-ulit para makaiwas sa virus.

Pangalawa ay ang social distancing, o ang pag-iwas sa maraming tao at mas mabuting manatili sa bahay.

Nagpasalamat din ang Fil-Am coach sa mga medical worker na patuloy ang paglaban sa coronavirus.

View this post on Instagram

#HEATNationUnited 🔥🌎

A post shared by Miami HEAT (@miamiheat) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?