194

Feb 10, 2019 @ 18:45
By

Erich Gonzales bumida, nag-direk ng MV ni Marco Maurer

Opisyal nang inilabas ng Thai rapper na si Mauro Maurer ang music video ng kaniyang awiting ‘Won’t Let You Go’ kung saan ay tampok ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

Bukod sa pagbabahagi ng kaniyang boses ay si Gonzales din umano ang direktor ng MV.

Ito ang kaniyang kauna-unahang pagdidirek simula nang mag venture ito sa paggawa ng music videos.

Nagkakilala ang dalawa dahil sa kapatid ni Marco na si Mario Maurer, co-star ni Gonzales sa pelikulang ‘Suddenly It’s Magic’.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakipag-collab si Maurer sa isang Filipino celebrity.

Matatandaang noong December 2017 ay naglabas ito ng single na collaboration naman nila ni Kakai Bautista, co-star din ni Mario sa naturang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?