247

By

Erice kay Kris: Hindi ko sinisisi si Noy sa pagkatalo ni Roxas

Nilinaw ng campaign manager ni senatorial candidate Mar Roxas na si Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na hindi niya sinisisi si dating Pangulong Benigno Aquino III sa pagkatalo ni Roxas noong 2016 presidential polls.

“I am not blaming pres PNoy, he is very close to me. I simply replied to a query on why we are wearing blue and I simply answered that we have to establish our own identity considering my notion that last 2016 the perception on Mar is that he is a Robin and Robin can never be a Batman,” saad ni Erice.

Aniya, strategy umano iyon at hindi paninisi sa kung sino.

Naglabas ng klaripikasyon si Erice matapos siyang banatan ni Kris dahil umano sa paninisi nito sa kuya niyang si Noynoy sa pagkatalo noon ni Roxas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Really – to blame his loss on my brother? So pati ba pagkatalo sa 2010 kasalanan din ni Noy?” saad ni Kris sa kanyang Instagram post noong Linggo na inilagay na niya sa archived dahil sa pakiusap umano sa kanya ni Senador Kiko Pangilinan na “ceasefire”.

May kaugnayan ito sa naging desisyon na baguhin ang campaign color ni Roxas mula sa dilaw tungo sa asul para umano makawala ang una sa anino ni Noynoy.

“It was a conscious decision because one mistake made in 2016 was acting like Robin to [Aquino’s] Batman … and Robin will never be Batman,” saad ni Erice sa Inquirer report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?