479

By

Erap dumipensa kung bakit hindi winalis mga illegal vendor sa Maynila

Tinawag na kalokohan ni dating Mayor Joseph “Erap” Estrada ang binunyag ni Manila Mayor Isko Moreno na P5 milyong suhol kada araw mula sa mga “organizer” sa Divisoria para hindi galawin ang mga illegal vendor.

Kasabay nito, dinepensahan din niya kung bakit hindi niya nalinis ang Maynila sa mga illegal vendor partikular na sa Divisoria.

Aniya, madali umanong magpasikat pero kailangang tingnan ang kapakanan ng mga kapwa tao lalo na ang mahihirap na maaapektuhan ng gagawing aksyon sa naturang lugar.

“Madaling magpasikat eh, pero titingnan mo rin ‘yung kapakanan ng kapwa tao mo, lalo ‘yung mahihirap,” sabi ni Estrada sa dzmm.

Nagparinig din ito sa pagkapanalo ni Mayor Isko na hindi niya alam kung “voice of the PCOS”.

“The voice of the people is the voice of God.. ewan ko lang kung the voice of the PCOS ‘yon,” dagdag pa ni Estrada.

Samantala, hinggil sa kakaharapin niyang kaso kaugnay ng sinasabing unliquidated cash advance sa ilalim ng kanyang administrasyon, sinabi nitong handa siyang harapin ito sa anumang korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?