320

By

EPD Police nag-donate sa mga biktima ng Taal

Umabot sa 30 kahon ng mineral water at mga sari-saring gulay ang pinamahagi ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas province.

Pinangunahan ni EPD Director Gen. Johnson Almazan ang pamamahagi ng mga relief goods na kanilang inambag at nakuha mula sa mga kalapit na negosyante, na pinadala sa Sto. Tomas Parish Church sa Sto. Tomas, Batangas at pakikinabangan ng mga evacuee mula sa Talisay, Batangas.

Ayon naman kay PMaj. Virgilio Timajo ng DCADU/D5, tuluy-tuloy ang ginagawang pagsuporta ng mga tauhan ng EPD sa mga evacuee sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang supplies na base rin sa kanilang pangangailangan.

Nais aniya nilang ipakita at patunayan ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng Intergroup Relief operations na may temang “Together We Can, Together We Rise.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?