33

Jun 30, 2020 @ 13:01
By

Enrollment period balak palawigin hanggang July 15

Pinag-iisipan na ng Department of Education na i-extend ang enrollment period na matatapos ngayong Martes.

Saad ni Education Secretary Leonor Briones, posibleng paabutin hanggang July 15 ang enrollment para sa mga nais mag-aral sa public school.

“Last day na ngayon pero kino-consider namin na magkaroon ng extension, para ito sa public school…probably up to July 15 sa mga bata na gustong mag-enroll sa public school,” ayon kay Briones sa dzBB.

“Kasi malaki ang demand maski nagkaroon ng kalituhan kung kailan (ang pasukan), kami hindi kami nagbabago na ang talagang pag-umpisa ng klase ay August 24,” paliwanag pa nito.

Ito’y matapos umanong makatangap ang DepEd ng mga humihiling na ma-extend pa ang enrollment period para sa pagbubukas ng mga klase.

Sa datos ng DepEd, nasa 15 milyon sa 27 milyong estudyante ang nakapag-register na para sa enrollment.

“‘Yung pag extend ng enrollment up to July 15, tignan namin ang movement kasi gusto nating magrespond naman sa parents. Hindi sila agad makapagdecide kung pag-aaralin ang anak o kung saan pag-aaralin,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?