7

Mar 26, 2020 @ 10:55
By

Enhanced community quarantine ikakasa sa Cebu

Isasailalim ang Lalawigan ng Cebu sa “enhanced community quarantine” simula sa Biyernes bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa executive order na pinirmahan nitong Miyerkoles ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ‘di na papapasukin sa probinsya ang lahat ng mga turista sa international flights simula alas-12:01 ng madaling araw, Marso 27, 2020.

Papayagan namang umalis ng Cebu ang mga outbound tourist. Hindi rin haharangan ang cargo delivery papunta at palabas ng probinsya.

‘Di pa malinaw kung papayagang pumasok sa Cebu ang mga magsisibalik na residente.

Naitala ang unang COVID-19 positive patient sa lalawigan noong nakaraang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?