80

By

Engagement ring ng amo nalunok ng aso

Muntik nang masira ang Valentine’s Day ng magkasintahan matapos aksidenteng malunok ng kanilang alagang aso ang isang engagement ring.

Ayon sa Facebook post ng Valley Farm Animal, agad dinala ang asong si Pepper sa beterinaryo matapos ang insidente.

Nakita sa X-ray na na-stuck sa loob ng tiyan ni Pepper ang singsing.

Mabuti na lang at hindi na kinailangan pang operahan si Pepper dahil binigyan na lamang ito ng pampasuka sa singsing.

Siniguro naman ng beterinaryo na ligtas ang kondisyon ni Pepper habang “good as new” ang narekober na singsing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?