20

By

Engaged na nga ba? Matteo may komento sa singsing ni Sarah

Sharing is caring!

Sa tagal na umano nilang magkarelasyon noon pang 2014, sinabi ni Matteo Guidicelli na matured na ang relationship niya kay Sarah Geronimo.

Pero nang tanungin ang aktor tungkol sa napapabalitang engagement nila ni Sarah sa contract signing niya sa Viva Artists Agency, itinanggi ni Matteo ang tsismis.

Nagbiro pa ito na ang sinasabing engagement ring na suot ni Sarah ay masyadong maliit.

“It’s too small. ‘Di joke lang. Wala pa, wala pa. Biro lang,” anang aktor.

Samantala, sobrang proud naman ni Matteo nang kumanta ang kanyang girlfriend sa Papal visit sa UAE.

“Super proud of you love. By the way, perfect Italian!!” ani Matteo sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?