200

By

Empress ayaw pang pakasalan ni Vino Guingona

Wala pang plano na magpakasal si Empress Schuck sa ama ng kanyang anak na si Vino Guingona.

Pero inamin nitong may live-in arrangement sila.

Three years old na ang anak ni Empress kay Vino na si Athalia at maayos naman daw ang arrangement nila. Naka-base kasi sa Zamboanga si Vino kaya minsan lang silang nagkikita nito.

“We’re okay po. We’re still together, we’re happy. Hindi pa kami kasal. He’s based in Zamboanga, so parang LDR (long-distance relationship) kami. Every month naman po siya umuuwi dito sa Manila,” ngiti ni Empress.

Ayaw raw nilang magpa-pressure sa pagpapakasal kaya gusto nilang planuhin ito nang maayos.

“Ayaw naming magpadala sa pressure just because madami nagtatanong, ‘Bakit hindi na lang tayo magpakasal para matapos na, di ba?’

“Kasi when we had the baby, it wasn’t planned, biglaan. Siyempre magpa-family ka, kung magbi-baby ka kailangang planado ng maayos. It’s just that, nagkamali kami noong time na ‘yun,” diin pa niya.

At saka gusto raw ni Empress na makabawi sa naudlot na career niya. Gusto raw niya na magtuloy-tuloy ito para na rin sa future ng anak nila ni Vino.

“Patigil-tigil ako, ‘di ba? Gusto ko naman po this time, tuluy-tuloy na. Thankful ako sa GMA-7 for giving me another chance.

“Alam ko na nabigyan ko sila ng sakit ng ulot when I got pregnant sa gitna ng isang teleserye na ginagawa ko for them. Pero patuloy pa rin nila ako binigyan ng work kaya sobra akong thankful sa kanila.

“Noong bumalik ako after I gave birth, I did Beautiful Strangers, Someone To Watch Over Me, My Love From The Star, Tadhana, Alyas Robin Hood, Kambal Karibal and My Special Tatay. Ngayon ang ganda pa ng role ko sa Hiram Na Anak,” pagtapos pa ni Empress Schuck.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?