14

Jun 30, 2020 @ 16:07
By

Empleyado sapul ng COVID: Opisina ni Calida isasara

Kaagad na ini-lockdown ang Office of the Solicitor General matapos na magpositibo ang isang empleyado nito sa COVID-19.

Sa pahayag ng OSG, kung saan si Jose Calida ang kasalukuyang namumuno, sasalang pa sa swab test ang nasabing tauhan matapos ang positive result sa rapid test.

“As a precautionary measure, and while awaiting the results of the confirmatory tests, no one, except personnel from the FMS [Financial Management Service] and the sanitation and disinfection team, will be allowed in the premises,” ayon sa pahayag ng OSG.

Samantala, hindi rin muna maglalabas o tatanggap ng dokumento ang nasabing opisina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?