44

Mar 30, 2020 @ 23:15
By

Empleyado ng supermarket todas sa baril ng sikyo

Nasawi ang isang emleyado ng supermarket sa Bankerohan, Davao City nang matamaan ng bala ng security guard, Sabado ng hapon.

Natamaan ng bala ang biktimang si Chiquito Tubo mula sa baril ng security guard na si Saimola Buale.

Sa ulat, nakuhanan ng closed-circuit television (CCTV) ang pangyayari. Galing umano sa comfort room si Buale at inayos nito ang kanyang holster pero nahulog ang kanyang .38 revolver at pumutok.

Tinamaan si Tubo na nadala pa sa pagamutan pero binawian din ng buhay.

Naaresto naman si Buale pero wala na umanong balak na magsampa ng kaso ang asawa ng biktia dahil sa aksidente at hindi sadya ang nagyari.

Humiling lang ito na sagutin ang gastos sa ospital at pagpapalibing kay Tubo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?