132

Empleyado ng hardware pinasabog ang bungo

Dead on the spot ang isang empleyado ng hardware matapos barilin sa ulo ng hindi nakilalang gunman sa harap ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Lucena City.

Kinilala ng Lucena City police ang biktima na si Roberto Aldon Jr., 34 anyos, isa sa mga team leader ng mga empleyado ng Citi Hardware- Lucena.

Batay sa pulisya, kalalabas pa lamang ng biktima at naglalakad ito papunta sa kanilang staffhouse sa harap ng naturang hardware sa Maharlika highway, Barangay Ilayang Iyam nang barilin ito ng nag-aabang na gunman, alas-6:20 ng gabi.

Ayon sa mga nakasaksi, isang nasa edad 30-anyos na lalaki na nakasuot ng baseball cap at may dalang backpack ang malapitang bumaril dito.

Nagtamo ang biktima ng tama sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Tumakas naman ang suspek na naglakad lamang papalayo.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari at inaalam kung ano ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?