115

By

Emergency powers para kay Duterte, kinakasa na

Naghain si Senador Francis Tolentino ng panukala na magbibigay ng special emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila at mga kalapit lungsod sa bansa.

Sa Senate Bill 213 o Special Emergency Powers Act, pahihintulutan si Duterte na isagawa ang emergency powers sa loob ng dalawang taon para tugunan ang naturang problema.

Nakasaad din doon na ang appointed Traffic Crisis Czar – walang iba kundi ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) – ang may kapangyarihan na bumalangkas ng mga hakbang na magpapaliwanag sa epektibong paggamit ng road at transport routes sa pamamagitan din ng pag-adjust sa oras ng trabaho sa mga paaralan at opisina.

Maaari ring magpatupad ng “work at homes schemes” at iba pang alteranatibong pag-aayos o arrangement.

Magkakaroon din ng reporma sa public transport tulad ng pagbabago sa public utility vehicle; pahihintulutan din ang local government units na magtayo ng sariling mass transport system at pagpapatupad sa lahat ng batas trapiko.

Batay sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency, mahigit P3.5 bilyon ang nawawala sa gobyerno dahil sa krisis sa trapiko sa Metro Manila lamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?