15

Embiid kumana ng 33, 76ers kuha ang 2-1 lead

Dalawang panalo na lang ay makababalik na ng Eastern Conference finals ang Philadelphia 76ers buhat noong 2001.

Magkadikit na selebrasyon ang kinubra ng Philly matapos ibigay ang Game 1 sa Toronto Raptors, nanguna si Joel Embiid sa 116’95 victory sa Game 3 nitong Biyernes sa kanilang balwarte.

Pumuntos ng 33 markers si Embiid, sahog ang 10 rebounds para bumalik sa porma, nag-ingay pa ang crowd sa tuwing makakaiskor ito na inulan ng MVP chants.

Sa third canto, nagtuloy-tuloy ang swerte para sa 76ers, matapos ibulso ni Embiid ang tres para itarak ang 12-point lead, tila nainis si Pascal Siakam na kitang sadyang pinatid si Embiid dahilan para tawagan ito ng flagrant foul.

Nakatuwang ni Embiid si Jimmy Butler na sumikwat ng 22 points, nanguna naman para sa Toronto si Kawhi Leonard na lumingkits ng 33 points, may 0 naman si Siakam.

Sa third ay tila naging one-man show ang opensa ng Toronto, sinubukang buhatin ni Kawhi ang koponan na umiskor ng 14 points sa nasabing yugto, ngunit kinulang pa rin kontra Philadelphia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?