310

By

Embiid hagulgol sa game-winner ni Leonard

Hindi napigilan ni Philadelphia star Joel Embiid ang maiyak matapos payukuin ng buzzer-beater ni Toronto forward Kawhi Leonard, na nagpatanggal sa 76ers sa playoffs.

Sa huling saglit, tabla ang laban 90-all, tangan ni Kawhi Leonard ang bola na nagdribol sa corner para bitawan ang contested jumper na mahigpit na dinepensahan ni Embiid.

Ilang beses tumabog sa rim ang bola, ngunit di kalaunan ay hinigop ito papasok.

Abante ang Toronto, 92-90, samantalang ang 76ers, bakasyon na dahil sa pambihirang tira ni Leonard.

Dahil dito, bumaha ng emosyon sa court sa pag-iyak ni Embiid na agad dinamayan ni Raptors veteran Marc Gasol.

Sa laban, naglista si Leonard ng 41 points sahog ang eight rebounds. Tumulong naman sa kanya si Serge Ibaka na kumahig ng 17 markers at walong boards.

Si Embiid naman kumolekta ng 21 points, 11 rebounds para sa 76ers, may 17 markers naman si JJ Redick.

Haharapin ng Toronto ang top seed Milwaukee Bucks sa East conference finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?