29

By

Embiid ginunaw ang Cleveland

‘Di man pumapasok ang mga tira ng Philadelpia 76ers, sa depensa naman sila nag-concentrate.

‘Di pinaiskor ng Sixers ang Cleveland sa final 3 ½ minutes bago binaon ni Joel Embiid ang go-ahead dunk 13.2 seconds na lang at tinakasan ng Philadelphia ang Cavaliers 98-97 Martes ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular game.

Tumapos si Embiid ng 27 points, umayuda si Josh Richardson ng 17 at may 15 si Ben Simmons sa 76ers. Balik si Simmons tapos ang dalawang larong pagliban dahil sa shoulder injury, nagdagdag pa ng 5 rebounds, 6 assists at 2 blocks kontra 4 turnovers sa 35 minutes.

Nagawan ng paraan ng Sixers na manalo sa kabila ng 8 for 38 shooting lang mula 3-point range. Walang pinasok si Tobias Harris sa 11 3-point tries.

“You better guard if you’re not going to make shots,” bulalas ni Sixers coach Brett Brown. “We knew if we were going to do anything, we had to play defense – and defense we played.”

Kinapos ang tig-20 nina Jordan Clarkson at Kevin Love sa Cleveland. May 18 points si Collin Sexton at 17 points, 12 rebounds kay Tristan Thompson.

Naghabol sa halos buong laro ang Cavs pero dahil sa masagwang shooting ng Philly sa fourth ay tatlong beses nakalamang sa lima, huli sa 97-92 sa drive ni Sexton 3:34 pa. Kaya lang ay hindi na umiskor mula roon ang Cavs.

Dinikit ng follow-layup ni Harris sa 97-94 bago nagsalpak ng 17-footer. Sablay ang close-range shot ni Love, natawagan pa ang Cleveland ng shot-clock violation sa sumunod na posesyon ng Cavs.

May 26.6 seconds pa mula sa timeout, natagpuan ni Harris si Embiid malapit sa basket. Dinakdak ni Embiid ang panlamang, 98-97. Nagkaroon ng huling tsansa ang Cavs pero niluwa ng rim ang 3-pointer ni Love sa tuktok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?