21

By

Elorde siga sa pagbabalik

Pinangalandakan ni Nico Elorde ang pagbabalik sa hardcourt nang mag-init sa fourth quarter para tulungan ang NorthPort sa 110-108 panalo kontra Columbian Dyip Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

‘Di nakapaglaro sa huling tatlong matches ng NorthPort sa PBA Commissioner’s Cup tapos abutin ng hamstring injury, tatlong 3-pointers ang pinakawalan niya sa fourth para panatiliin sa laro ang Batang Pier laban sa makulit na Dyip.

Kinasihan ng suwerte sa final seconds ang NorthPort nang matawagan ng defensive goal tending si Columbian import Lester Prosper. Pa-drive si Robert Bolick habang tabla ang laro sa 108-108, sumabay si Prosper pero sumabit sa rim ang kamay at counted ang basket.

Napreserba ang panalo nang sumablay si Eric Camson sa huling tira ng Dyip.

“Let’s give credit to Columbian, coach John (Cardel),” ani coach Pido Jarencio tapos umangat sa 8-2 ang NorthPort. “Ang ganda ng ginawa nila.”

Mukhang nakarekober na si Elorde sa isinumiteng all-around game na 14 points, 7 rebounds, 6 assists at 3 steals. Tumapos si Bolick ng 21 points tulad din ng produksiyon ni Kevin Ferrer.

“Talagang breaks of the game lang nangyari kaya nanalo tayo,” dagdag ni Jarencio. “Basta, a win is a win.”

Dumikit ang Batang Pier sa top 2 finish, maaaring makuha ang twice-to-beat bonus sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations kapag tinalo ang Meralco sa July 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?