185
Elorde Awards Night, WBC Ultimate Muay Thai Challenge sa Usapang Sports
By

Elorde Awards Night, WBC Ultimate Muay Thai Challenge sa Usapang Sports

Tatalakayin sa 14th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes, Marso 14, ang gaganaping Gabriel “Flash” Elorde Awards Night at WBC Ultimate Muay Thai Challenge.

Bilang pagdiriwang sa 84th birthday ni Pinoy boxing legend Elorde, paparangalang bilang “Boxer of the Year” si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa nasabing event na gaganapin sa Marso 25 sa Okada Manila.

Bukod kay Ancajas, aattend rin sa awards night si Liza Elorde at asawa nitong si Johnny para pag-usapan ang gagawing event at “Boxing Kontra Droga” boxing promotion.

Asahan rin na dadalo ang mga apo ni Elorde na sina WBO Asia-Pacific junior featherweight chamnpion Juan Miguel “Mig” Elorde at Juan Martin “Bai” Elorde.

Samantala, tatalakayin naman nina UMC organizer Donny Elvina at WBC Muaythai Philippine representative Erwin Tagle ang inaabangang muay thai competition na gaganapin sa Marso 27 sa Metrowalk sa Pasig City.

Aaksyon ang event na may 12 matches na pangungunahin nina muay thai champions — Fritz Aldrin Biagtan, Brent Velasco, Fernando Venus and Jervie Koska Tionco.

Ginaganap ang weekly TOPS Usapang Sports sa National Press Club sa Intramuros, Manila at na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?