682

Apr 9, 2020 @ 19:17
By

Ellen patama kay John Lloyd? ‘Mas mabuting mag-isa kesa hindi masaya’

Kung si Ellen Adarna ang tatanungin, wala na raw siyang pakialam sa looks ng isang lalaki.

Sa kanyang Instagram Stories, sinagot ni Ellen ang ilang tanong ng kanyang fans.

Kabilang sa naitanong sa kanya ang una niyang nakikita sa isang lalaki.

Sabi ni Ellen, sa edad niya ay hindi na siya naa-attract sa physical appearance.

“Now at 32. If he is a man of his word…and his routine. Kevs na sa face, toes, hands and height.”

Dagdag ni Ellen, may “plus 100 billion points” sa kanya ang lalaki kung “more mentally stable” ito kesa sa kanya.

Nang papiliin naman siya kung “physically fit men” na immature o “fat but mature men”, sinabi ng aktres na wala siyang pipiliin.

Sey pa niya, mas magandang mag-isa na lang kesa naman hindi masaya at satisfied.

“Better alone than unhappy and unsatisfied. “I’m fine. Thank you.”

Matatandaang mula nang maghiwalay noong 2019 ay walang sinuman kina Ellen at John Lloyd Cruz ang sumagot tungkol sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?