56

By

Elite tumama kay Blakely

Niladlad ng Blackwater na tama ang desisyong piliin bilang import si Marcus Blakely, kinunan ng 95-89 win ang defending champion Magnolia, 95-89, sa 44th Philippine Basketball Association Governor’s Cup 2019-20 eliminations, Miyerkoles ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.

Sinalpak ni Mac Belo ang krusyal na undergoal stab sa natitirang 48 segundo upang ibalik ang Elite sa anim na puntos na abante sa 90-84 iskor na tuluyang sinandigan ng koponan tungo sa ikalawang panalo sa anim na laro para sa ikawalong puwesto.

Muli pang lumapit ang Hotshots mula sa isang tres ni Aldrech Ramos sa pinal na 36 segundo ng laro para sa 90-87 iskor, pero kinapos sa oras upang malasap ang ikalawang sunod na kabiguan at mahulog sa kabuuan na 3-3 na para sa pagsalo sa ikalima.

Pinamunuan ni Blakely, pinili sa kapwa import na si Aaron Fuller, sa pagkayod nang 19 points, 13 rebounds, 3 assists, 5 steals at 1 block.

Naglarong walang reinforcement ang Hotshots tapos mamaga ang kanang tuhod ni Romeo Travis sa laban sa San Miguel Beer.

Sa kawalan ng import, nakalayo nang hanggang 13 puntos na abante ang Elite tampok ang isang tres ni James Ryan Sena sa 3:06 minuto ng second quarter, 40-27.

Ang mga iskor:

Blackwater 95 – Blakely 21, Belo 20, Digregorio 15, Al-Hussaini 12, Cruz 6, Parks 5, Maliksi 5, Desiderio 4, Sena 3, Sumang 2, Jose 2, Cortez 0.

Magnolia 89 – Lee 26, Sangalang 12, Dela Rosa 11, Ramos 10, Melton 9, Barroca 7, Jalalon 6, Pingris 4, Reavis 2, Herndon 2, Brondial 0.

Quarters: 19-15, 47-40, 71-66, 95-89.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?