78
Eleksyon 2019, magsisilbing ‘test case’ para sa HNP – Inday Sara

Eleksyon 2019, magsisilbing ‘test case’ para sa HNP – Inday Sara

By JOHN CARLO M. CAHINHINAN

MATI CITY, Davao Oriental – Magsisilbing acid test para sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang papalapit na halalan sa susunod na buwan kung magiging epektibo ba ang impluwensya nito hindi lamang sa Davao Region kundi sa buong Mindanao.

Ayon kay HNP founding chair at Davao City Mayor Sara Duterte, masusubok sa darating na halalan sa Mayo 13 kung magagawang maibigay ng Hugpong ang boto ng buong Region 11 para sa mga kandidatong senador na sinusuportahan nito.

“Ito[ng] (May elecctions), test case namin kasi this is the first election for hugpong ng pagbabago sinasabi ko sa kanila ‘dapat ipakita natin yung sinasabi natin na magagawa ang suporta ng Davao region sa mga national candidates,” paliwanag ni Mayor Sara.

Ang HNP ay itinatag ng Presidential daughter noong isang taon katuwang ang limang gobernador mula sa Region 11 at naglalayon na palakasin ang buong rehiyon ng Davao, gayun din ang pagbibigay ng patuloy na suporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa datos mula sa Commission on Elections (COMELEC), aabot na sa higit sa 2.6 milyon ang rehistradong botante mula limang lalawigan ng Davao Region noong 2016.

Ang HNP sa kasalukuyan ay rehistrado sa COMELEC bilang isang “regional political entity.”

Una ng tininutulan ni Mayor Sara ang panukula ng iba pang mga lider ng kanyang partido na i-angat antas nito bilang isang “national political party” subalit matunog ang mga haka-haka na posible itong mangyari kung kung sakaling marami sa mga manok nitong senatoriables ang mag-wawagi sa susunod na buwan.

Matunog din ang usapan na ang Hugpong ang gagamitin ng Davao City mayor kung sakaling siya’y magpasyang tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022.

Aabot sa siyam na kandidato na sinusuportahan ng HNP ang pasok sa ‘Magic 12’ base sa pinakabagong Pulse Asia Survey nitong Marso.

Paliwanag alkalde ng Davao City, nakasalalay ang kinabukasan ng HNP sa magiging resulta ng halalan sa susunod na buwan.

“If we cannot show that this elections then we will have to rethink yung pag-grupo ng HNP,” paliwanag ni Mayor Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?