56

By

Eleksyon 2019 hindi tungkol kay Duterte – Sotto

Sinopla ni Senate President Tito Sotto III ang hirit ng oposisyon na referendum o subukan ang eleksyon ngayon kung gusto pa ng bayan o hindi na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Mariing sinabi ni Sotto na ang eleksyon ay tungkol sa kwalipikasyon at plataporma ng kandidato at hindi tungkol sa pangulo.

“Nope. I do not agree… campaign issue is not whether you are for Duterte or not. It’s about what you can do for the country and the people,” diin ni Sotto.

Ipinunto ring hindi nag-eendorso ang pangulo ng kumpletong 12 kandidato sa pagkasenador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?