62

By

Eleazar sa mga condo manager: Bantayan ang mga tenant

Iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa mga pamunuan at security officer ng lahat ng condominium sa Metro Manila na patuloy na makipagtulungan sa pulisya.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa tatlong drug pusher at pagkakumpiska sa may P3.4 milyong halaga ng shabu.

Lumabas sa mga intelligence report ng NCRPO na ginagamit ang mga condominium unit bilang safehouse ng mga drug suspect.

“They are now using condominium units as hide outs to protect and avoid any detection of their illegal activities due to a strict security measures,” saad ni Eleazar.

“With the cooperation of the Condominium Managements, nakakapagsagawa tayo ng mga buy-bust operation in the past that resulted in the arrest of drug personalities. So we are appealing to them to continue doing so,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?