62

By

Ekonomiya lumago dahil sa Build, Build, Build – Andanar

Inspirado ang Malacañang dahil sa naitalang mabilis na paglago ng ekonomiya ngayong third quarter ng taon.

Kasunod ito ng report ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nakapagtala ng 6.2-percent na paglago ang bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na malaki ang papel ng Build, Build, Build program ng gobyerno sa magandang ipinapakita ngayon ng ekonomiya ng bansa.

Kabi-kabila ang mga ginagawang major infrastructure project sa Metro Manila at ilan pang panig ng bansa na inaasahang magbibigay ng kaginhawaan sa publiko sa sandaling matapos ang mga ito.

“We recognize the faster expansion of the Philippine Economy recorded at 6.2% for the third quarter of this year. We attribute this to our aggressive “Build, Build, Build” infrastructure program as seen by the uptick in government spending,” ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na determinado ang Duterte administration na makamit ang growth target ngayong taon na 6-7% kaya’t lalo pang magsisikap ang gobyerno sa pamamagitan ng mga inilargang reporma, kabilang na dito ang paglaban sa korapsiyon at red tape sa burukrasya.

Ang mga repormang ito ani Andanar ang titiyak para sa komportable at magandang buhay ng mga Pilipino sa mga darating na araw.

“The Duterte Administration is determined and committed in reaching our economic growth target expansion of between 6.0% to 7.0% this year. We will continue to foster an environment primed for investments, and reduce the remaining corruption and red tape in government agencies,” dagdag pa ni Andanar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?