127

By

Ejercito ginanahan sa positibong resulta ng SWS senatorial survey

Na-encourage ang re-electionist senator na si JV Ejercito matapos makasama sa ‘Magic 12’ ng pinakabagong Social Weather Station senatorial survey.

Saad sa inilabas na statement ni Ejercito, kahit na siya’y hindi pa nangangampanya ay umangat pa rin ang kanyang ranking sa polls.

Nasa ika-12 pwesto si Ejercito sa latest survey, na dati ay nasa ika-17 at ika-14 lamang sa dalawang survey ng SWS at Pulse Asia.

“Given the circumstance of having another brother and not having any political advertisement yet whatsoever, the result is very encouraging,” saad ni Ejercito.

Nakakuha ang mambabatas ng 26 porsyento o may katumbas na 15 milyong boto.

“The trajectory is very promising,” ayon pa sa kanya.

Nanguna sa survey ang dalawang Senadora na sina Cynthia Villar at Grace Poe, mula sa 1,500 respondent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?