26

Mar 26, 2020 @ 9:56
By

Edu Manzano nag-effort para sa mga frontliner

Gumawa ng banner si Edu Manzano para kilalanin ang tapang at dedikasyon ng mga frontliner sa bansa sa panahon ng COVID-19 crisis.

Sa Twitter niya binida, Marso 25, na gamit lang ang dalawang sako, straw, at tatlong marker, nakagawa siya sa loob ng 30 minuto ng karatula.

Nakasaad doon ang mga pahayag na “thank u FRONTLINERS” at “we ❤ you”

‘Di naman tinukoy ng aktor kung saan niya pinaskil ang banner.

Hinikayat din niya ang mga netizen na pahalagahan ang mga frontliner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?