305

By

Eddie Garcia naka-life support

Nasa kritikal na kondisyon pa rin ang beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos maaksidente sa set ng upcoming teleserye.

Sa statement ng Makati Medical Center kung saan naka-confine si Garcia, sinabi na comatose pa rin ito tatlong araw ang nakalilipas at nahihirapan pa ring huminga.

“Mr. Garcia continues to be in critical condition. He is in comatose state with minimal spontaneous respiration,” ayon sa pahayag.

Saad sa report ng Manila Times, nakalagay sa life support si Garcia at tinutulungang makarekober ng mga aparato.

Nangyari ang aksidente sa set ng upcoming teleserye ng GMA network, sa video na lumabas ay makikitang napatid ito sa isang kable, nagkaroon ng cervical fracture taliwas sa mga unang report na nagkaroon ito ng stroke o inatake sa puso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: