5,763

By

Eddie Garcia hindi inatake sa puso, hindi na stroke

Nasa ospital ngayon at sumasailalim sa kritikal na obserbasyon ang beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos na ito ay mag-collapsed noong Sabado (June 8) habang nasa shooting ng upcoming teleserye ng GMA na ‘Rosang Agimat’.

Una nang naglabas ng opisyal na pahayag ang GMA mula umano sa pamilya ng aktor na nagsasabing nakaranas umano ang aktor ng matinding atake sa puso habang nasa taping.

Samantala, sa huling pahayag mula kay Dr. Enrique Lagman, tiyuhin ng longtime partner ni Garcia na si Lillibeth Romero, nabatid sa test results na wala umanong heart attack o stroke na nangyari kay Garcia. Pahayag ni Lagman para sa pamilya ni Garcia.

“Walang heart attack, walang stroke because the CT scan of the brain is normal, the heart attack test was normal,” saad ni Lagman ayon sa report ng Rappler.

Kasalukuyang nasa ospital ngayon si Lagman kasama ang pamilya ng aktor. Aniya, 48 oras nang nasa ilalim ng obserbasyon si Garcia upang matingnan kung aayos ba ang kondisyon nito.

Binanggit ni Lagman ang video na kumakalat ngayon sa social media kung saan ay makikita ang pagkakataon kung saan ay nagcollapsed si Garcia sa set.

Makikita sa naturang video na kuha ni Mhervin Maco na tila natisod sa isang wire si Garcia na siyang ikinabagsak nito. Nang hindi siya agad nakatayo ay agad na sumugod ang mga tao upang siya ay saklolohan.

Saad ng mga netizen na nakapanood ng video, marahil napasama ang pagbagsak ni Garcia dahil sa edad nitong 90 ay delikado na ang ano mang pagkadapa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?