71
Ebuen: Deserve ko ang MVP award!
By ,

Ebuen: Deserve ko ang MVP award!

Hindi napigilan ni NCAA Season 94 MVP Necole Ebuen na maging emosyonal matapos patunayan sa lahat ng karapat-dapat siya sa karangalang kanyang tinanggap.

Umariba at nag-angas si Ebuen sa Game 2 ng kanilang best-of-three Finals series kontra Perpetual Help Lady Altas at tumapos ng 18 puntos para tulungan ang Arellano na maipwersa ang isang decider.

Sa post-game interview kay Ebuen, inamin nito na marami ang kumukwestyon sa pagkakahirang sa kanya bilang MVP ngayong season at marami din aniya ang hindi naniniwala na karapat-dapat siya para dito.

“Sabi ko po sa sarili ko parang ipapakita ko pa po ‘yung best ko kasi marami pong nagsasabi na hindi ko po deserve ‘yung award na ‘yun,” wika ng maluha-luhang si Ebuen.

“Pero sabi ko patutunayan ko sa inyo na deserve ko ‘tong award na ito. Pinakita ko talaga ‘yung best ko kanina. Kumapit po ako sa game namin.”

Bagama’t uminda ng left ankle sprain si Ebuen sa fifth set ng laban matapos aksidenteng matakpan si Blanca Tripoli, ay patuloy pa rin umariba ang sophomore at winagwag lang ito sa tabi.

Hindi ininda ni Ebueng ang sakit ng kanyang paa hanggang sa madeliver nito ang game-winning spike na nagpwersa sa isa pang laro.

“Okay naman po medyo masakit pero hindi ko po ininda sa game kanina kasi sabi ko po ilalaban ko ‘yung game namin na ‘to para makaabot po kami sa Game 3,” panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?