2,587

By

‘Eat Bulaga’ susugod na sa Pasig

Susugod na sa Pasig City ang “Sugod Bahay, Juan For All, All For Juan” na noon time show na “Eat Bulaga” matapos ang ginawang pag-ban ng natalong Pasig City Mayor Bobby Eusebio laban kay konsehal Vico Sotto, na nanalo ngayong mayor ng Pasig City.

Paliwanag ng staff ni Eusebio na posibleng gawing kampanya ang pagpasok ng Sugod Bahay sa Pasig City dahil sa mahigpit na kalaban sa politika ng mga Eusebio si Sotto sa pagka-alkalde.

Si Vico Sotto o Victor Ma Regis N. Sotto ay anak nina Vic Sotto, bossing ng Eat Bulaga at Coney Reyes. Political Science graduate ng Ateneo de Manila University at first city councilor ng Pasig City na ngayo’y mayor na.

Sa kabila nito, natapos na ang 27-taong panunungkulan ng mga Eusebio sa Pasig City na nagsimula noon pang 1992 habang si Vico Sotto, 29-anyos, ng Aksyon Demokratiko, ay naupo lamang ng isang termino sa pagka-konsehal at siya na ang magtatayo ng bagong Pasig.

“Sulit po ang pagod at effort natin. Narinig na ng bayan ang ating tinig,” ayon sa post ni Sotto sa kanyang Facebook account.

Base sa partial and official results mula sa city board of canvassers, nakakuha si Sotto ng 188,321 votes kumpara kay Eusebio na mayroong 109,245 votes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?